CHAPTER 1: Ang Pag babalik

PANEL 1 (Wide Shot)
Isang malawak at napakatahimik na campus. Makikita ang mga nagtataasang modernong gusali at magagarang pasilidad ng **Kingdom Academy**. Kilala ang eskwelahang ito sa matataas na grado, sining, at mararangyang estudyante—pero pagdating sa sports, lalo na sa basketball, itinuturing silang "free win" at kulelat sa buong rehiyon.

PANEL 2
Mula sa labas ng gymnasium sa dulo ng campus, maririnig ang sunod-sunod na malalakas na kalabog ng bola at ang tunog ng sumasadsad na sapatos sa kahoy na sahig. May nagaganap na isang mainit na 5v5 scrimmage game.

PANEL 3
SCOREBOARD:KINGDOM ACADEMY (VIOLET): 24 vs UNIVERSITY OF THE EAST (RED): 52
Time Left: 2:15 (3rd Quarter)
Gumugulong ang laban. Ang koponan ng Kingdom Academy, suot ang kanilang  deep violet jersey na may gold accents, ay kasalukuyang dinudurog sa sarili nilang home court ng University of the East (UE) isang kilalang Top 4 powerhouse team ng rehiyon.

PANEL 4 (Action)
Ang Point Guard ng UE ay mabilis na nag-crossover. Nalito ang defender na naka-violet, nawalan ng balanse, at tuluyang nadulas sa makintab na sahig. UE PG (tumatawa habang umaatake): "Masyadong malambot! Sabi ko sa inyo pampalipas-oras lang 'tong Kingdom Academy eh!"

PANEL 5
Tatalon ang UE PG para sa isang madaling layup. Swabe ang bitaw niya, kampante sa puntos. Pero sa isang iglap, isang dambuhalang anino na naka-violet ang biglang sumulpot mula sa kaniyang likuran!
 SFX:SHWACK!!!

PANEL 6
Idinikit ng dambuhalang kamay ang bola diretso sa backboard! Isang napakalupit na pin-the-ball block. Nayari ang board sa lakas ng impact. Si Drei Charlie Alonte (#12) , kilala bilang ang "Tower," ay seryosong nakatayo sa ilalim ng ring, tumutulo ang pawis at bakas ang galit sa mukha.
Charlie:"Huwag kayong magmayabang sa harap ko."

PANEL 7
Nakuha ng isa pang player ng Kingdom ang bola at mabilis na tumakbo para sa fastbreak. Ipinasa niya ito sa wing kay Jaylord Lanzy Quiñonez (#14) ang "Sniper."Agad na dinaluhong si Lanzy ng dalawang defender ng UE. Selyado ang shooting lane, walang pwesto para tumira.

PANEL 8 (Close-up - Lanzy)
Walang emosyon ang mga mata ni Lanzy kahit dalawa ang nakadikit sa kaniya. Dahil walang Point Guard na nag-oorganisa ng opensa nila at nagmamadali ang oras, pinwersa niya ang isang napakahirap na step-back fadeaway three-pointer*.
 UE Defender: "Buwaya! Pwersado 'yan!"

PANEL 9
 SFX:CLANG!
Tumama ang bola sa likod ng ring at tumalbog palabas. Nabitawan ni Lanzy ang isang mahabang buntong-hininga. Napapailing siya. Magagaling sila ni Charlie, pero dahil walang utak ang takbo ng laro ng team, napipilitan silang magkanya-kanya.

PANEL 10 (Scene Shift)
Sa labas ng gym, nakaupo sa isang sementadong bench sa ilalim ng puno ng narra si Shawn Gavriel Jacob. Naka-uniporme siya ng Kingdom Academy (malinis na white polo at slacks), may suot na earphones, at nakapikit ang mga mata habang nakasandal. Walang sinuman sa eskwelahan ang nakakakilala sa kaniya bilang basketball player—para sa lahat, isa lang siyang tahimik at antuking transferee.

PANEL 11
Isang anino ang humarang sa sikat ng araw kay Shawn. Minulat niya ang isang mata. Isang estudyante na may hawak na clipboard ang nakatayo sa harap niya—ang Team Manager ng varsity na stressed na stressed ang mukha.
 Manager: "Shawn! Pre, sige na naman o. Kulang na kulang kami ng Point Guard sa try-out game ngayon laban sa UE. Alam kong nagpapanggap ka lang na hindi marunong..."

PANEL 12 (Flashback Panel - Ang alaala ng Manager)
Isang maingay, mausok, at magulong barangay court gabi-gabi para sa isang "Ligang Labas." Ang Manager, na nanonood lang noon sa gilid, ay nakanga-nga habang nakikitang may isang naka-hoodie na lalaki na nagpakawala ng isang pamatay na *behind-the-back pass* na nagpalito sa limang defender. Ang lalaking 'yun ay walang iba kundi si Shawn.
 Manager (Voiceover):"Napanood kita nung isang gabi sa Ligang Labas sa Brgy. San Jose. Nakita ko kung paano mo pinalayaw ang mga depensa roon gamit lang ang mga pasa mo. Ikaw ang 'Floor General' na kailangan namin!"

PANEL 13 (Close-up - Shawn)
Bumuntong-hininga si Shawn at tinanggal ang isang earphone. Tamad at walang pakialam ang kaniyang mga mata, pilit na itinatanggi ang nakita ng Manager.
Shawn:"Sabi ko naman sa'yo, pre... nagkamali lang ang narinig at nakita mo. Napadaan lang ako roon. Matagal na akong hindi seryosong humahawak ng bola. At saka, kinalawang na 'tong mga kamay ko."

PANEL 14 (Flashback Panels - Ang Tunay na Bangungot ni Shawn)
Mabilis at madidilim na panels mula sa kaniyang huling taon sa elementarya. Ang championship game na nagpabago sa kaniya.
 Maliit na panel 1:SCOREBOARD: 78 - 79. May natitira na lang na 2 segundo sa orasan. Hawak ni Shawn ang bola, pinapalibutan ng tatlong defender.
 Maliit na panel 2: Nakita ng kaniyang elite vision ang isang kakampi na bakante sa ilalim. Tumalon siya, binitiwan ang isang mabilis at komplikadong no-look pass—isang pasa na akala niya ay magpapanalo sa kanila.
 Maliit na panel 3:SFX: SLIP. Dahil sa pawis at tensyon, dumulas ang bola sa kaniyang mga daliri. Ang pamatay na pasa ay naging isang masaklap na turnover. Lumabas ang bola habang tumutunog ang buzzer. Talo sila.
 Maliit na panel 4 (Extreme Close-up - Ang Coach): Galit na galit ang mukha ng kaniyang dating coach. Pulang-pula ang leeg nito sa pagsigaw, itinuturo ang mukha ni Shawn sa harap ng buong team.
 Dating Coach:"Sinasayang mo lang ang laro! Ang yabang mo! Nagmamarunong ka na naman sa mga pormang pasa mo kaya tayo natalo!! Umalis ka sa harap ko!"
Maliit na panel 5:Isang bola ng basketball na iniwan at nababasa sa gitna ng ulan. Doon niya binitawan ang basketball dahil sa panunumbat ng coach niya.

PANEL 15
Balik sa kasalukuyan. Tiningnan ni Shawn ang kaniyang sariling mga palad. May konting panginginig ang kaniyang mga daliri—dahil sa takot na muling magmintis ang kaniyang mga pasa at marinig ang parehong panunumbat.
 Shawn (sa sarili):"Wala na sa akin ang larong 'yan. Nakakapagod lang."

PANEL 16
Bigla ng may malakas na kalabog, hiyawan, at tunog ng pito na nanggaling sa loob ng gym. Napatayo ang Manager nang makatanggap ng text mula sa coach.
 Manager: "Hala! Na-injured yung natitirang Point Guard natin! Na-ankle sprain! Sige na, Shawn, kahit maupo ka lang sa bench! Sumama ka lang sa loob!"

PANEL 17
Napilitang maglakad si Shawn kasunod ang Manager pumasok sa maingay na gymnasium. Nakasandal lang siya sa pader malapit sa bench ng Kingdom Academy, nakapamulsa habang nanonood. Ang mga mata niya ay dahan-dahang napako kina Lanzy (#14) at Charlie (#12).
 Shawn (naaagaw ang pansin): "Sayang... Ang ganda ng timing ng talon nung #12, pader kung pader. Yung #14 naman, perpekto ang bitaw ng pulso, kaso walang nagbibigay sa kaniya ng bola sa tamang pwesto. Sayang ang talento."

PANEL 18
Lumapit ang Manager kay Shawn na may bitbit na isang violet at gold na jersey na hindi pa nagagamit. May nakadikit na numerong #55 sa likod nito.
Manager (halos maiyak sa pakiusap): "Shawn... please. Isang quarter na lang ang natitira. Limang players na lang ang natitirang walang injury sa atin. Kulang na kulang talaga kami. Kahit i-dribble mo lang ang bola patawid, sapat na."

PANEL 19
Kinuha ni Shawn ang jersey mula sa kamay ng Manager at nagsimulang magtanggal ng kaniyang white polo.
 Shawn:"Isang quarter lang, pre. Pagkatapos nito, tapos na ako."

PANEL 20
 SFX: BZZZZZZZZT!
Tunog ng buzzer para sa pagtatapos ng 3rd Quarter. Bagsak ang balikat ng mga manlalaro ng Kingdom Academy habang naglalakad patungo sa kanilang bench.
SCOREBOARD:KINGDOM ACADEMY: 31 vs UNIVERSITY OF THE EAST: 68 

PANEL 21
Sa kabilang panig ng court, ang mga manlalaro ng UE ay nagtatawanan. Sweater pa ang iba at nagbibiruan na parang panalo na ang laro.
UE Bench: "Grabe, praktis na praktis tayo rito ah. Sabi sa inyo petiks lang dito sa Kingdom Academy eh, pang-pataas lang ng kumpyansa."

PANEL 22
Sa bench ng Kingdom, nakaupo si Drei Charlie Alonte (#12 - Tower) habang nakatalukbong ng tuwalya sa ulo, hingal na hingal at binubuntutan ng galit ang sahig. Sa tabi niya, si Jaylord Lanzy Quiñonez (#14 - Sniper) ay tahimik na umiinom ng tubig, pero bakas sa seryosong mukha ang inis dahil sa walang sistema nilang laro.

PANEL 23
Coach ng Kingdom:"Sino ang papalit kay Marcus? Sino pang pwedeng mag-Point Guard?"
Ako, Coach."
 Lahat ng nasa bench ay napalingon sa dulo.

PANEL 24
Dahan-dahang naglalakad si Shawn patungo sa harap ng Coach. Suot na niya ang kulay violet at gold na jersey na may malaking numerong #55" . Nakasabit pa rin ang earphones sa leeg niya, nakayuko, at parang kagigising lang sa mahimbing na tulog.
Charlie (tiningnan si Shawn mula ulo hanggang paa):"Sino 'to? Coach, seryoso ba? May laban pa tayo tapos magpapasok kayo ng kung sinong lampayin?"

PANEL 25
Hindi pinansin ni Shawn ang sinabi ni Charlie. Tumingin siya kay Lanzy na nakatitig din sa kaniya nang malamig. Ibinalik ni Shawn ang kaniyang tingin sa Coach.
 Shawn: "Coach, i-dribble ko lang ang bola patawid, 'di ba? Sige, ako na ang bahala roon. Pero kayong dalawa..." (Tumingin kina Charlie at Lanzy) "...siguraduhin niyo lang na handa ang mga kamay niyo."

PANEL 26
Lanzy (napataas ang kilay sa angas ni Shawn):** "Ano?"
SFX: BZZZZZT!
 Sumigaw ang referee: "4th Quarter! Last 10 minutes! Players inside!"

PANEL 27 (Wide Shot)
Pumasok ang limang manlalaro ng Kingdom Academy sa court. Sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon, nakatapak muli si Shawn sa loob ng hardwood. Ang Point Guard ng UE ay napangisi nang makitang si Shawn ang magdadala ng bola.
 UE Point Guard (pumorma ng depensa):"Bagong salta? O sige, tignan natin kung ano'ng kaya mo, #55."

Manga Story

CHAPTER 1: Ang Pag babalik PANEL 1 (Wide Shot) Isang malawak at napakatahimik na campus. Makikita ang mga nagtataasang modernong gusali at magagarang pasilidad ng **Kingdom Academy**. Kilala ang eskwelahang ito sa matataas na grado, sining, at mararangyang estudyante—pero pagdating sa sports, lalo na sa basketball, itinuturing silang "free win" at kulelat sa buong rehiyon. PANEL 2 Mula sa labas ng gymnasium sa dulo ng campus, maririnig ang sunod-sunod na malalakas na kalabog ng bola at ang tunog ng sumasadsad na sapatos sa kahoy na sahig. May nagaganap na isang mainit na 5v5 scrimmage game. PANEL 3 SCOREBOARD:KINGDOM ACADEMY (VIOLET): 24 vs UNIVERSITY OF THE EAST (RED): 52 Time Left: 2:15 (3rd Quarter) Gumugulong ang laban. Ang koponan ng Kingdom Academy, suot ang kanilang deep violet jersey na may gold accents, ay kasalukuyang dinudurog sa sarili nilang home court ng University of the East (UE) isang kilalang Top 4 powerhouse team ng rehiyon. PANEL 4 (Action) Ang Point Guard ng UE ay mabilis na nag-crossover. Nalito ang defender na naka-violet, nawalan ng balanse, at tuluyang nadulas sa makintab na sahig. UE PG (tumatawa habang umaatake): "Masyadong malambot! Sabi ko sa inyo pampalipas-oras lang 'tong Kingdom Academy eh!" PANEL 5 Tatalon ang UE PG para sa isang madaling layup. Swabe ang bitaw niya, kampante sa puntos. Pero sa isang iglap, isang dambuhalang anino na naka-violet ang biglang sumulpot mula sa kaniyang likuran! SFX:SHWACK!!! PANEL 6 Idinikit ng dambuhalang kamay ang bola diretso sa backboard! Isang napakalupit na pin-the-ball block. Nayari ang board sa lakas ng impact. Si Drei Charlie Alonte (#12) , kilala bilang ang "Tower," ay seryosong nakatayo sa ilalim ng ring, tumutulo ang pawis at bakas ang galit sa mukha. Charlie:"Huwag kayong magmayabang sa harap ko." PANEL 7 Nakuha ng isa pang player ng Kingdom ang bola at mabilis na tumakbo para sa fastbreak. Ipinasa niya ito sa wing kay Jaylord Lanzy Quiñonez (#14) ang "Sniper."Agad na dinaluhong si Lanzy ng dalawang defender ng UE. Selyado ang shooting lane, walang pwesto para tumira. PANEL 8 (Close-up - Lanzy) Walang emosyon ang mga mata ni Lanzy kahit dalawa ang nakadikit sa kaniya. Dahil walang Point Guard na nag-oorganisa ng opensa nila at nagmamadali ang oras, pinwersa niya ang isang napakahirap na step-back fadeaway three-pointer*. UE Defender: "Buwaya! Pwersado 'yan!" PANEL 9 SFX:CLANG! Tumama ang bola sa likod ng ring at tumalbog palabas. Nabitawan ni Lanzy ang isang mahabang buntong-hininga. Napapailing siya. Magagaling sila ni Charlie, pero dahil walang utak ang takbo ng laro ng team, napipilitan silang magkanya-kanya. PANEL 10 (Scene Shift) Sa labas ng gym, nakaupo sa isang sementadong bench sa ilalim ng puno ng narra si Shawn Gavriel Jacob. Naka-uniporme siya ng Kingdom Academy (malinis na white polo at slacks), may suot na earphones, at nakapikit ang mga mata habang nakasandal. Walang sinuman sa eskwelahan ang nakakakilala sa kaniya bilang basketball player—para sa lahat, isa lang siyang tahimik at antuking transferee. PANEL 11 Isang anino ang humarang sa sikat ng araw kay Shawn. Minulat niya ang isang mata. Isang estudyante na may hawak na clipboard ang nakatayo sa harap niya—ang Team Manager ng varsity na stressed na stressed ang mukha. Manager: "Shawn! Pre, sige na naman o. Kulang na kulang kami ng Point Guard sa try-out game ngayon laban sa UE. Alam kong nagpapanggap ka lang na hindi marunong..." PANEL 12 (Flashback Panel - Ang alaala ng Manager) Isang maingay, mausok, at magulong barangay court gabi-gabi para sa isang "Ligang Labas." Ang Manager, na nanonood lang noon sa gilid, ay nakanga-nga habang nakikitang may isang naka-hoodie na lalaki na nagpakawala ng isang pamatay na *behind-the-back pass* na nagpalito sa limang defender. Ang lalaking 'yun ay walang iba kundi si Shawn. Manager (Voiceover):"Napanood kita nung isang gabi sa Ligang Labas sa Brgy. San Jose. Nakita ko kung paano mo pinalayaw ang mga depensa roon gamit lang ang mga pasa mo. Ikaw ang 'Floor General' na kailangan namin!" PANEL 13 (Close-up - Shawn) Bumuntong-hininga si Shawn at tinanggal ang isang earphone. Tamad at walang pakialam ang kaniyang mga mata, pilit na itinatanggi ang nakita ng Manager. Shawn:"Sabi ko naman sa'yo, pre... nagkamali lang ang narinig at nakita mo. Napadaan lang ako roon. Matagal na akong hindi seryosong humahawak ng bola. At saka, kinalawang na 'tong mga kamay ko." PANEL 14 (Flashback Panels - Ang Tunay na Bangungot ni Shawn) Mabilis at madidilim na panels mula sa kaniyang huling taon sa elementarya. Ang championship game na nagpabago sa kaniya. Maliit na panel 1:SCOREBOARD: 78 - 79. May natitira na lang na 2 segundo sa orasan. Hawak ni Shawn ang bola, pinapalibutan ng tatlong defender. Maliit na panel 2: Nakita ng kaniyang elite vision ang isang kakampi na bakante sa ilalim. Tumalon siya, binitiwan ang isang mabilis at komplikadong no-look pass—isang pasa na akala niya ay magpapanalo sa kanila. Maliit na panel 3:SFX: SLIP. Dahil sa pawis at tensyon, dumulas ang bola sa kaniyang mga daliri. Ang pamatay na pasa ay naging isang masaklap na turnover. Lumabas ang bola habang tumutunog ang buzzer. Talo sila. Maliit na panel 4 (Extreme Close-up - Ang Coach): Galit na galit ang mukha ng kaniyang dating coach. Pulang-pula ang leeg nito sa pagsigaw, itinuturo ang mukha ni Shawn sa harap ng buong team. Dating Coach:"Sinasayang mo lang ang laro! Ang yabang mo! Nagmamarunong ka na naman sa mga pormang pasa mo kaya tayo natalo!! Umalis ka sa harap ko!" Maliit na panel 5:Isang bola ng basketball na iniwan at nababasa sa gitna ng ulan. Doon niya binitawan ang basketball dahil sa panunumbat ng coach niya. PANEL 15 Balik sa kasalukuyan. Tiningnan ni Shawn ang kaniyang sariling mga palad. May konting panginginig ang kaniyang mga daliri—dahil sa takot na muling magmintis ang kaniyang mga pasa at marinig ang parehong panunumbat. Shawn (sa sarili):"Wala na sa akin ang larong 'yan. Nakakapagod lang." PANEL 16 Bigla ng may malakas na kalabog, hiyawan, at tunog ng pito na nanggaling sa loob ng gym. Napatayo ang Manager nang makatanggap ng text mula sa coach. Manager: "Hala! Na-injured yung natitirang Point Guard natin! Na-ankle sprain! Sige na, Shawn, kahit maupo ka lang sa bench! Sumama ka lang sa loob!" PANEL 17 Napilitang maglakad si Shawn kasunod ang Manager pumasok sa maingay na gymnasium. Nakasandal lang siya sa pader malapit sa bench ng Kingdom Academy, nakapamulsa habang nanonood. Ang mga mata niya ay dahan-dahang napako kina Lanzy (#14) at Charlie (#12). Shawn (naaagaw ang pansin): "Sayang... Ang ganda ng timing ng talon nung #12, pader kung pader. Yung #14 naman, perpekto ang bitaw ng pulso, kaso walang nagbibigay sa kaniya ng bola sa tamang pwesto. Sayang ang talento." PANEL 18 Lumapit ang Manager kay Shawn na may bitbit na isang violet at gold na jersey na hindi pa nagagamit. May nakadikit na numerong #55 sa likod nito. Manager (halos maiyak sa pakiusap): "Shawn... please. Isang quarter na lang ang natitira. Limang players na lang ang natitirang walang injury sa atin. Kulang na kulang talaga kami. Kahit i-dribble mo lang ang bola patawid, sapat na." PANEL 19 Kinuha ni Shawn ang jersey mula sa kamay ng Manager at nagsimulang magtanggal ng kaniyang white polo. Shawn:"Isang quarter lang, pre. Pagkatapos nito, tapos na ako." PANEL 20 SFX: BZZZZZZZZT! Tunog ng buzzer para sa pagtatapos ng 3rd Quarter. Bagsak ang balikat ng mga manlalaro ng Kingdom Academy habang naglalakad patungo sa kanilang bench. SCOREBOARD:KINGDOM ACADEMY: 31 vs UNIVERSITY OF THE EAST: 68 PANEL 21 Sa kabilang panig ng court, ang mga manlalaro ng UE ay nagtatawanan. Sweater pa ang iba at nagbibiruan na parang panalo na ang laro. UE Bench: "Grabe, praktis na praktis tayo rito ah. Sabi sa inyo petiks lang dito sa Kingdom Academy eh, pang-pataas lang ng kumpyansa." PANEL 22 Sa bench ng Kingdom, nakaupo si Drei Charlie Alonte (#12 - Tower) habang nakatalukbong ng tuwalya sa ulo, hingal na hingal at binubuntutan ng galit ang sahig. Sa tabi niya, si Jaylord Lanzy Quiñonez (#14 - Sniper) ay tahimik na umiinom ng tubig, pero bakas sa seryosong mukha ang inis dahil sa walang sistema nilang laro. PANEL 23 Coach ng Kingdom:"Sino ang papalit kay Marcus? Sino pang pwedeng mag-Point Guard?" Ako, Coach." Lahat ng nasa bench ay napalingon sa dulo. PANEL 24 Dahan-dahang naglalakad si Shawn patungo sa harap ng Coach. Suot na niya ang kulay violet at gold na jersey na may malaking numerong #55" . Nakasabit pa rin ang earphones sa leeg niya, nakayuko, at parang kagigising lang sa mahimbing na tulog. Charlie (tiningnan si Shawn mula ulo hanggang paa):"Sino 'to? Coach, seryoso ba? May laban pa tayo tapos magpapasok kayo ng kung sinong lampayin?" PANEL 25 Hindi pinansin ni Shawn ang sinabi ni Charlie. Tumingin siya kay Lanzy na nakatitig din sa kaniya nang malamig. Ibinalik ni Shawn ang kaniyang tingin sa Coach. Shawn: "Coach, i-dribble ko lang ang bola patawid, 'di ba? Sige, ako na ang bahala roon. Pero kayong dalawa..." (Tumingin kina Charlie at Lanzy) "...siguraduhin niyo lang na handa ang mga kamay niyo." PANEL 26 Lanzy (napataas ang kilay sa angas ni Shawn):** "Ano?" SFX: BZZZZZT! Sumigaw ang referee: "4th Quarter! Last 10 minutes! Players inside!" PANEL 27 (Wide Shot) Pumasok ang limang manlalaro ng Kingdom Academy sa court. Sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon, nakatapak muli si Shawn sa loob ng hardwood. Ang Point Guard ng UE ay napangisi nang makitang si Shawn ang magdadala ng bola. UE Point Guard (pumorma ng depensa):"Bagong salta? O sige, tignan natin kung ano'ng kaya mo, #55."

More Manga to Explore